My smile hides eveything.All the things that you could ever imagine
About this Entry
Posted by: dippin_panda7

Visit dippin_panda7's Xanga Site

Original: 5/17/2009 5:07 AM
Views: 23
Comments: 4
eProps: 0

Read Comments
Post a Comment
Back to Your Xanga Site



Sunday, May 17, 2009

Ang kalungkutan

 Totoo nga ang sabi ng aking mga guro noong high school. Hindi nga parehas ang buhay sa kolehiyo sa buhay na tinamasa namin noong high school. Hindi ko alam pero may nadarama akong pangungulila ngayong kolehiyo. Para bang wala akong kilala sa mga taong ito pero sa totoo kilala ko naman sila. Bakit ganun? Noong high school ako, marami akong kalokohan kasama ang aking mga kabarkada. Gala dito, gala doon. Tawanan dito, harutan doon. Iba talaga ang feeling. May mali ba akong nagawa?

Hindi ko alam. Minsan tinatago ko nalang sa halakhak at ngiti ang pangungulila ko. Wala namang nakakapansin masyado.

Minsan, gusto kong lumabas kasama ang aking mga kaibigan noong high school. Manuod lang ng sine o kaya ay maglaro lang kahit saglit sa Time Zone o Quatum. Tapos kumain sa kahit anong kainan at magkwentuhan kung kamusta na sila. Pero bakit hindi ko ito magawa? Walang pera? Walang oras? Hindi ko alam.

Ayaw ko ng ganitong pakiramdam. Ito ang isa sa mga kinatatakutan kong pakiramdam, ang pangungulila sa mga kaibigan. Minsan sumagi sa isip kong mas gusto kong bumalik sa nakaraan kaysa harapin ang kasalukuyan at kinabukasan. Pero hindi ba't isang duwag ang matatawag mo sa akin sa ganitong pagiisip?

Yesterday is history, Tomorrow is a mystery, and today is a gift... that's why it is called present. Lagi pinapaalala ng Comm 3 prof ko iyan. Natutuwa naman ako sa kataggang yan.. pero.. hindi ko alam... Basta miss ko na ang maging bata. Miss ko na maging HS... Miss ko na maging Elementary... Miss ko na ang nakraan.

Sana lang talaga bigyan ako ng isa pang pagkakataon upang magsaya sa nakaraan. WaaaH! naiiyak na tuloy ako... Pinapakinggan ko pa ay so close ni Jon McLaughlin.. Ugh! Basta... pero dahil imposible ang aking hinihiling... Ito nalang siguro.. Sana hindi magtuloy tuloy ang ganitong pakiramdam. Sana makahanap ako ng mga kaibigan tulad nung mga kaibigan ko nung high school... ayaw ko na nang ganito.

Itigil mo na ito Carlo. Hindi mo kailangang mangulila. Kaya nga sumali ka ng org eh... Haaaaay... sana nga....

 Posted 5/17/2009 5:07 AM - 23 Views - 0 eProps - 4 comments

Give eProps or Post a Comment

4 Comments

haha. Parang yan lang din yung sinabi ko sa'yo ah.. yung parang hayok na hayok ako sa company ng HS friends ko. At, yan din ang sinuggest ko sa'yong gawin mo. hehe! pero, yan. ewan ko. comment ko lang, andrama lang. hahaha! :P

haaaay.. pagdarasal ko na makahanap ka ng kaibigang hinahanap mo..
Posted 5/17/2009 9:08 AM by junette - reply

oh.. and..


clean thoughts, dear.
Posted 5/17/2009 9:09 AM by junette - reply

haha after a year tska mo na-miss abg MSHS? hehe tsktsk...

weird talaga no? sumali ka ng org kaya di ka nauubusan ka ng oras... ni hindi ka namin nakikita sa main lib e. haha...

gumawa ka kasi ng oras para sa HS barkada mo.. di naman sila nawawala e. hindi mo lang sila hinahanap. naks.
Posted 5/22/2009 10:26 AM by michael p - reply

Visit dippin_panda7's Xanga Site!
Oo nga eh.. pero minahal ko na kasi ung org ko.. hehehe... :P

Pero yun... Nakakamiss lang talaga ang galaan portion noong HS... Sana magkaroon tayo... :)

Oh well..

See you around! :)
Posted 5/22/2009 11:18 AM by dippin_panda7 - reply


Choose Identity
(?)
 
Give eProps (?)
Post a Comment
Add Link | Preview HTML comment help 
Profile Pic:
Default  |  Choose »  (?)



Back to dippin_panda7's Xanga Site!
Note: your comment will appear in dippin_panda7's local time zone:
GMT -05:00 (Eastern Standard - US, Canada)