| | Kahapon ay pumunta ako sa Makati High para sa orientation for Fusion.. without knowing, Meron na palang bagyo na rumaragasa sa Pilipinas. Habang nanunuod at nakikigulo ako sa mga teacher at estudyantye ng maksci, nahaggard ako kasi binabaha na pala ang iba kong mga kaibigan at kamaganak.
Grabe lang...
3 years ago, same thing happened... Praktis namin ng cheerdance yun for intrams. Hindi ako ganun nahaggard kasi ang naging problema noon ay ang malakas na hangin. At na stranded kami sa rockwell.. at marami kami noon. Kung gusto ninyong malaman kung ano ang post ko noong mga panahon na iyo, pls go to this page... http://dippin-panda7.xanga.com/534108227/nagpractice-po-kami-bumabagyo-na/
Haggard lang talaga ang mga pangyayari na yun! as in Baha kung baha! What made the worry more is the fact that some of my friends and relatives are already staying at their rooftop. And the flood gets deeper and deeper by the minute. Napapaisip tuloy ako kung meron ba silang nakakain at kung nakuha na ba sila sa kinalalagyan nila.
Alam ninyo yung feeling na alam mong nanganganib ang buhay nila pero wala kang magawa other than to pray and hope for the best. Haggard lang talaga!! Sana ligtas sila... Sana Ok lang sila...
Ipagdasal natin silang lahat.. :(
|
| | Posted 9/26/2009 11:59 PM - 5 Views - 2 eProps - 1 Comment
- recommend
    - recs0
- share
- email
 - sent0
Give eProps or Post a Comment |